Mga three weeks ago yata yun ng matapos kong basahin hanggang sa huling pahina ang ikatlong aklat ni Sir Eros, ang Ligo Na U, Lapit Na Me. At isa lang ang masasabi ko: mabangis.
Marahil ay ikinukumpara na si Sir Atalia kay Bob Ong dahil kung susuriin ay halos parehas ang istilo nila- nagpapatawa na parang mga host sa comedy bar habang minumulat ang mga kaisipan ng mambasa sa reyalidad. Ngunit kahit halos iisa ang takbo ng tono ng kanilang mga likha, masasabi naten na magkaiba pa din sila ng istilo. Oo nga't parehas na kwela at may kahulugan ang mga pinagsasabi nila sa kanilang mga mambasa, ngunit sa aking palagay ay mas maangas ang pagsusulat ni Sir Atalia kesa sa original na idol kong si Bob Ong (na hanggang ngayon ay hindi ko pa din alam kung ano talaga ang kanyang tunay na katauhan).
Bakit kamo?
Sa aking opinyo e mas wholesome ang dating ni Bob Ong. Mga kwentong buhay estudyante, kwentong tambay, at kwentong kapalpkan at kabalbalan ng mga opisyales ng gobyerno. Si Sir Atalia naman ay halos gaanon din ang formula na sinusundan pero may mga add-ons tulad ng mga unique tips kung paano hindi magugutom ang mga mahihirap (naalala ko dati yung sinabi nya sa amin. Kinuwenta nya ang mga nagastos ng aming mga magulang sa aming pag-aaral at nagbigay ng ilang mga suhestyon para lamang mabayaran namen ang utang na loob sa kanila sa pagpapaaral samen ng halos 14 taon. Praktikal ang kanyang mga suhestyon katulad ng magbaon na lamang ng pagkain araw-araw, huwag bumili ng mga gamit, at maglakad pauwi ng bahay. Pero kung seseryosohin mo, sasakit ang ulo mo kesa sa tyan mo dahil panigurado pasakit kung hindi ka gagastos kahit pang Coke sakto lang mula isang buwang katas ng sweldo mo), ang buong tapang na pagtuligsa sa mga nakikitang niyang mga kakaibang gawain ng iba't-ibang relihiyon at ang isang paksa na sa tingin ko ay takot si Bob Ong talakayin dahil baka masira ang wholesome image nito---sekswalidad. Usaping sex.
Segue: Dahil palaboy-laboy ako sa internet, may mga ilang mga nakakatuwa akong nabasa. Dahil hindi malinaw kung sino talaga si Bob Ong, mayroong mga nagpalagay na si Bob Ong at Sir Atalia ay iisa lamang. Mayroon din akong nabasa na si Xerex ay si Sir Atalia daw haha! Panalo! Pwede!Pwede! Pero syempre mga produkto lamang ito ng imahinasyon ng mga taong malilkot ang isip...pero may punto talaga di ba?hahaha. Pero ang sigurado ako, si Sir Atalia ay isang magaling na propesor na kahit tinatambakan kami ng mga readings at nagpaparecite gamit ang mga magic index cards ng alas 7 ng umaga (first period namen sya) habang itinataktak ang sachet ng 3-in-1 coffee sa kanyang bibig (pero hindi siya iinom ng mainit na kape, obvious naman bakit) ay isa sa mga paborito ng klase. Napukaw niya ang aming atensyon (kahit mukha siyang antok palagi) dahil sa mga sinasabi niyang may kapararakan. Parang katulad ng mga libro nya, puro kalokohan pero dapat seryosohin dahil alam mong may katotohanang nagtatago dito.
Nakakatawa ang kwento kasi nabigyang pansin ang kakaibang kahulugan ng pag-ibig between special friends na nauuso ngayon,pero mas nakakatawa pag narealize mo na bagamat masaya e nakakagago, at nakakasakit ang ganung klaseng set-up na temporary bliss kasi alam mong kahit gawin nyo ang mga ginagawa ng magsyota-magdate, magtelebabad, magbigay ng moral support, mag goodluck pag exam, icheck kung kumain na ba, mag PDA, magsimbang dalawa, at kahit magsubuan habang kumakain sa isang fastfood chain--- e pag nahimasmasan ka mula sa pagka high mo, back to reality ka na hindi naman talaga kayo...practice lang kung baga. Pero ang pinakanakakatawa pala sa lahat ay mahulog ka ng tuluyan doon sa taong iyon ng walang kalaban-laban pero hindi mo namalayang matagal ka na pala nyang binitawan.
Nakakatuwa ang kwento, pero mas nakakatawa ako kasi nakikita ko ang sarili ko sa dalawang tauhan ng kwento. Nagbibigay at tumatangap. Gumagastos para masyahan, sumasaya pag may ginastusan kasi alam mong napasaya mo ang taong mahal mo.Natatakot umamin, inamin na din sa wakas sa sarili at tinangap din ang sitwasyon, ang mga nangyari. Naghahanap pa din ng closure...teka, meron na nga pala. Ah, isang matinong explanation pala ang hinahanap ko.Yun bang may substance.
Pero pinakanakakatawa sa lahat ay sa kabila ng mga nangyari, eto pa din ako walang kadala-dala. Marahil tumigil ng umasa, nagsawa na sa kakahintay ng isang substantive, reasonable, rationale, and acceptable explanation, pero tumitibok pa din ang puso para sa kanya, hindi nagsasawa. Hindi nga ba?Minsan naisip ko, baka naman dahil sa nasanay lang ako o baka awa na lang?Hindi ko din alam kaya nga nakakatawa e haha! Nakakatawa ang umiibig. Nakakatawa ang umibig sa isang matuturing na kaibigan. Nakakatawa pag naging kumplikado ang lahat dahil sa akala niyo pero sa bandang huli ay magiging akala MO na lang na may namuong pag-ibig.
Siguro nga uso na nga ang ganitong klaseng set-up ng "pagkakaibigan." O marahil, dati na talagang may ganito pero ngayon lang "na-out" sa publiko kasi mas adventurous at mas natutong magexplore ang mga tao, bata man o matanda. Hay, anu na nga ba ang nangyari?
Aantayin ko na nga lang ipalabas ito sa sinehan. Abangan...malapit na :)