Tuesday, August 30, 2011

All in one day

Sa wakas, makaraan ang halos tatlong araw ng paglilinis e nakaalis din sa lunga namen haha. Masasabi kong naging productive ang long weekend na ito. Hindi man ako nakagala e okay na okay naman kasi may mga na-achieve akong mga bagay---ang linisin ang dapat linisin mula sa aming ref, CR, mga kwarto, sala, at kusina. Ayus! Sa totoo lang mas naeenjoy at mas naappreciate ko na ang maglinis ngayon. . Ewan ko, parang dati  labag sa kalooban ang bawat pagkuskos (oo, kinukuskos talaga namen yung floor hindi lang mop. as in yung scotch brite tas pupunasan ng basahan) ng sahig at pader ng bahay. Yung bawat pagbuhat at paglilipat ng mga upuan at mwebles ay mabigat na trabaho para saken. Ang bawat kiski ng tiles sa banyo ay parusa. Pero ngayon, nakikipagunahan pa ko sa nanay ko na magkuskos ng sahig at magpahid ng floorwax sa aming sahig. Ang weird lang. At kung dati ay allergic ako sa paglilinis ng kwarto e sobrang gustong gusto ko na sya gawin. As in kahit mala-gubat na sa sobrang wild ng kalat ng kwarto ko e hindi ko na yan pinapalinis.Ngayon, e ang saya-saya na nya kasi dirt-free na sya tsaka medyo nag rearrange ako kaya mas maluwag ang kwarto ko ngayon haha!Narealize ko na ang sarap ng feeling pag nakikita mong ang linis at ayos ng paligid mo. Parang napakalaking achievement na dahil sa mga efforts mo e gumanda ang paligid mo.Parang ang gaan-gaan tignan ang lahat ng bagay.
My fave bedsheet haha!
Anyway, isa na yata ito sa mga pinakamahabang araw sa buhay ko haha. Alas syete pa lang kasi ginising na kami para makaalis ng maaga upang kunin yung pinatahing coat ng kapatid ko na gagamitin nya sa huwebes. Pagkatapos namen kunin yung coat, direcho kami sa The Podium. Dahil hindi naman talaga kami suki ng nasabing mall, e nagulat kami kasi 10:30 na hindi pa sila bukas yun pala e 11am pa. Dalawa ang pakay namen sa mall na iyon: mananghalian sa Yakimix at manuod ng Cars 2. Bigo kami sa pangalawa kasi Final Destination at One Day lang ang palabas sa sinehan nila. Bogsh!

Habang nagaantay magbukas yung mall, lipat muna kami sa suki nameng SM Megamall. Pampatay oras lang. Bumalik kami ng bandang 11:30 para mananghalian. Pers taym ko sa Yakimix, nakakatuwa naman ang pagkain nila. Tama lang sa aking panlasa. Tsaka ang saya nung maexperience yung luto part dun sa kakainin mo. Una akong nakaencounter nun sa Ye Dang kaso ang niluto lang namen nun ay beef. Sunod nung nagtry kaming magshabu-shabu sa Gloria Maris. Tas eto para saken yung pinakacool na experience kasi halo-halo mo makikita yung mga pagkain dun sa "ihawan" nila.
Halo-halo: pork, beef, shrimp, fish
Paalala: wag pakialemero
BUrrrrp
Blue lemonade...ang lemonade na walang asim
Katunayan, gusto ko na masuka kanina dahil sa katawan ko lalo sa mga panghimagas! Sabi ko nga sa nanay ko, eto na yung araw na ang dami kong nakaing panghimagas!
Sweets for my sweets
Double Dutch ala Madie
Leche Flan
Para saken, solb na solb talaga! Pagkatapos ng halos dalawang oras ng pagkain, e umalis na kami para habulin ang 3:20 screening ng Cars2 sa Sta. Lucia Mall. Sayang nga hindi kami umabot sa 2:10 screening pero ayus lang kasi yung free time namen nagamit naman para magpakonsulta ako sa derma, pero mamaya na ang kwento.

Yung Cars2 sa simula e may pagkaboring/dragging pero maganda yung take-off nya para lalong mas maintindihan yung mga susunod na pangyari. Nakakatuwa lang kasi ang character focus ay si Mater na eventually ay magiging Sir Mater! Bongga lang haha!

Pagkatapos ng palabas e lipat kami sa katabing mall, ang Robinson Metro East naman para dun sa derma appointment ko.Sa totoo lang medyo hindi ako kumbinsido sa mga derma clinic sa mga mall kasi bali-balita na hindi naman talaga sila registered derma e compared sa mga nasa ospital na sigurado ka talaga. Anyway, nawala lang yung agam-agam ko nung simulang magexplain si Dr. Ancieta tungkol sa skin 101. Impressive talaga at alam nya talaga yung sinasabi nya. Katunayan sa lahat ng derma na napuntahan ko, sya lang yung tumangging magtreat sa mukha ko. Bakit? Sabi nya kasi, unless na hindi gagamutin yung root problem e magsasayang lang kami ng pera kasi kahit saan kami makarating ay ganoon pa din ang mangyayari. Ang problemang sinsabi nya ay hormonal imbalance. I knew it!Haha. Payo nya, magpatingin muna sa OB kasi mukhang yun ang isa sa mga major na dahilan nyang nakikita na pwedeng ayusin (yung isa e genetics so malamang wala ng magagawa dun). Nakakatuwa lang kasi naramadaman ko na hindi lang habol nya ay pera kundi yung nais talaga na magbigay serbisyo.  Nakakatuwa sya kasi ang daldal nya at ang masayahin yung karakter nya. At may mga trivia pa kong natutunan sa kanya. Ang pimples daw ay anaerobic bacteria so dapat wag palagi matutulog sa isang side lang. Or kung hindi maiwasan e mga after five minutes e ilipat mo naman yung ulo mo sa kabilang side. Cool haha! Tapos hindi din nya nakalimutan palalahanin na magpalit weekly ng pillow cases (not guilty), uminom ng Vitamin C (guilty), at kumonsulta sa OB (guilty) bago ko gamutin. Natatakot ako sa OB =( 

Tumagal yung procedure ng halos 1.5 oras. Sympre masakit kung masakit talaga pero sabi nga nya, tiis ganda. Sana lang this time e maayos na talaga yung mukha ko once na maachieve na yung hormonal balance sa katawan ko.  Pero bukod sa mukha kong masakit, naghihinagpis ng bongga ang wallet ko dahil sa financial damages.     
Aruy,aruy sabi ng wallet ko 
Pero sana talaga magimprove na ang mukhang ito, or else kokontakin ko na lang yung nagsales talk saken sa jeep baka mas mura at kumita pa ko harhar.

Pahabol:  isang nakakatawang eksena kanina sa clinic:
Dr. A.: Halika na, ate ni Madie (referring to mommy)
Mommy: Kaw doc ha, niloloko mo ko ha
Dr. A.: Ang bata kasi ng itsura mo mommy
Dr. A started her skin 101 lecture. In the middle of the lecture she blurted out:
Dr. A: Mommy, wag ka maooffend ha, totoo ba yang ilong mo?
Mommy: Oo naman doc!
Mommy's expression was priceless!Hahaha For her, you may criticize how fat she is, her very apparent double chin, her big tummy BUT NEVER EVER SAY ANYTHING NEGATIVE ABOUT HER NOSE! Hahaha. Dr. A. rested her case.

Or so I thought. While she was treating me, she popped out the same question to me:
Dr. A: Sure ka ha, hindi ka nagpa nose job ha
Me: Opo namandoc!Ang mahal kaya nun. Nilagyan ko lang yan ng sipit nung bata ako kasi yun sabi ng Science teacher ko e.

3 comments:

  1. haha. kayo na ang may perfect noses! :)

    ReplyDelete
  2. hagalpak ako kakatawa dun sa 'nakakatawang scene' =)))))))

    ang gaganda kasi ng ilong niyo, seriously.

    nang magpaulan ang diyos ng ilong, nasalo niyo lahat..habang ako nama'y nadag-anan kaya nagkaganito ilong ko. hahahaha!!! =)))))

    ReplyDelete
  3. @dez: si inay lang yung may perfect nose saken kasi nadevelop na lang ng sipit e haha
    @shelly: kasi yung science teacher mo di kayo sinabihan na lagyan ng sipit yung nose bridge e e di sana parehas na tayo ng ilong

    ReplyDelete