Hindi perpekto ang ingles ko pero masasabi ko naman na kahit paano e medyo gamay ko naman ang paggamit nito. Nakakalito pa din minsan kasi yung mga subject-verb agreement at yung tenses of verb lalo yung may mga past progressive tense etc.Minsan nga naisip ko bakit hindi na lang simple past, present, at future tense? Masyado pang pinapakumplikado e haha.
Naisip ko lang naman kasi kanina ito habang pinagmamasdan yung edited na gawa ko. Hahaha! Nakakahiya yung grammatical errors at hindi ko mapigilan mapangisi habang tinitignan ito. Tas kanina pa, sabi nung isang boss na ayaw makinig ng BIG BOSS namen na ang everyone knows ay technically correct. Kakulit naman! Kasi daw sabi nung kapwa Malaysian nya na nagtrabaho din para sa British Embassy na everyone know daw ay tama. Sympre, hindi padadaig ang aking boss na nagtrabaho din sa British Embassy. Hindi ko alam kung ano na ang nangyari doon sa diskusyong iyon kung napalitan ba ang everyone know o hindi.
Nakakainis yung mga taong panay ang post ng kilometric status sa facebook sa wikang ingles pero parang zigzag sa sobrang lupit ng pagkabaliko sa ingles. Muli, hindi ako perpekto pero kasi kahit naman sino e mapapakamot ng ulo kasi ang lupit ng pagkakasalin nya sa ingles...pero siya lang minsan ang nakakaintindi. Sa simula nakakatawa pero kung puro ganun naman, nakakasawa at nakakainis. Parang, hello sana sabihin mo na lang sa wikang Filipino di ba, mas maeexpress mo pa yung gusto mong sabihin, hindi pa sasakit ang mata ng taong nagbabasa. Yung iba naman, mga one-liner na nga lang, fail pa! Aysus! Wala namang masama sa paggamit ng wikang Filipino di ba?Nakakalungkot,dumadami na sila :-(
Tas meron din naman yung iba na may natutuhan lang na isa o dalawang grammar rule, feeling na napakagaleng! Naalala ko, nung nasa kolehiyo kami sinabi nung "poging" propesor namen na ang tuition fee ay redundant. Dapat daw tuition lang. Aaaaaahhh, sabi ng klase namen. Maya-maya ay may isa kaming kaklase na pinuna yung bulletin board kasi nakasulat na TUITION FEE. Tapos minsan din sa paguwi mula sa eskwela, pag nakita namen yung mga posters na NO TUITION FEE INCREASE, sympre sasabihin mo dun sa kasama mo na, ay alam mo redundant yan. Dapat tuition lang. Sympre feeling namen ang galeng-galeng namen sa grammar kaso hindi pa din kasi sa mga sumunod nyang mga quizzes, mabababa pa din kami. Hahahaha Hindi masama ang magdunung-dunungan minsan kaso siguraduhin mo din na pag nagmamarunong ka e hindi ka masayadong sasabit...mahirap ng mapahiya ah.
bilang isang mag-aaral ng linguistics, natutunan ko na ang maging tolerant sa mga taong mali-mali ang grammar. Minsan, natatawa pa rin ako pag nakakabasa ng balikong Ingles.
ReplyDeleteHindi lahat ng tao, napag-aralan ang grammar, pero hindi ibig sabihin nito na ang mga nakapag-aral lang ng grammar ang may karapatang mag-Ingles. Maswerte tayo kasi may background tayo on grammar. Pero hindi yun lisensya para manlait ng ibang taong di nakapag-aral ng grammar.
Bullshit lang yung mga mayayabang na grammar police na yan. masyadong mapagmalaki. Ang katunayan, surface lang ng isang malawak na topic ng grammar ang subject-verb agreement. Magmalaki sila kung napag-aralan na nila si Michael Halliday. Magmalaki sila kung maeexplain nila ang relationship ng PHONOLOGY, MORPHOLOGY, SYNTAX, at SEMANTICS.
PUTANG INA NG MGA GRAMMAR POLICE NA YAN! sana bagsakan sila ng eroplano!
bilang isang mag-aaral ng espanyol, natutunan ko na ang maging lactose intolerant sa english grammar dahil mas masarap na sa tiyan aralin ang espanyol kesa sa ingles. kaya di ko alam kung maiinis pa ba ko sa mga grammar police o matatawa sa mga wrong grammar freaks. haha! nakikigaya lang post!! =p pa-epal mode =))
ReplyDeleteoy yung wheat grass ko! hahaha!!! =))
@ dez: bilang isang magaaral na hindi bihasa sa ingles, natutunan ko na mas maganda tagalugin na lang para di ako mapahiya sa mga magaaral ng mga linguistics at police grammar (oo, police grammar pa din ako haha hindi grammar police bakit ba?;p). Ako ay sumasangayon na sana bagsakan sila ng eroplano, pero ako'y naninindigan na sana kumonti ang populasyon ng mga baliko ang ingles. ewan , siguro di ganun kataas ang tolerance level ko sa mga taong paulit ulit na umiingles (at alam mong maganda ang pinagaralan) kaso, ang wild lang talaga ng pagkakasabi.
ReplyDeleteoh well, siguro nga little information is bad and dangerous.
dead body, with regards to,tuition fee...kapag naririnig ko ito, naalala ko na lang ang mga turo ni sir esguerra. naisip ko, hindi naman pwedeng basta itama ang mga ganitong bagay kasi ito yung naging acceptable sa ating lipunan. dapat lulugar ka kasi hindi dahil alam mo ang mga bagay na ito ay gagaling ka na sa paggamit ng ingles.
@ shelly: natikman ko na ang wheatgrass!hahaha lasang...ewan ;p try mo muna yung rtd!
ReplyDeletemas nakakainis ang grammar freaks at grammar police-wannabes.
Hehe. Naiintindihan ko yung punto mong tagalugin na lang kasi kung di talaga kaya mag-English. Pero swerte talaga tayo kasi once in our life, naturuan tayo ni sir esgui ng matinong grammar :)
ReplyDeletehehe kaso ang point ko ay nakakapagtaka kasi sila yung mga maayos ang english nung hs tapos biglang naging kakaiba. and no, i'm not talking about the grammar 101 ni sir esgui dito... oh well
ReplyDeleteNakakaasar din naman kasi talaga kapag may mga ganung klaseng tao. Akala mo naman ang galing kapag may mga ingles na imik at lintek na status sa FB na yan.
ReplyDeleteNapaisip tuloy ako dun sa "tuition fee".
Kalma lang po ha? Take care! =)
Yeah, yeah. Gets ko talaga yung point mo. Nagtataka rin ako sa mga taong wrong grammar pero kung magmalaki abt their education, akala mo kung sino.
ReplyDeleteTapos may mga ingles pa ng ingles para magyabang lang pero mali-mali naman. Nakakayamot talaga yun. Ang tingin ko sa mga ganung klaseng tao, ay tulad ng pagtingin ko sa mga mayayabang na grammar police na ang main goal sa buhay ay iemphasize ung kagalingan nila.
Tolerance na lang talaga siguro ang solusyon dyan. Kasi ang bottom line, wala naman tlga makakapigil sa mga tao na mag umingles ng mali-mali.
@hokage: hehe yung tuition fee, turo samen yan ng prof namen
ReplyDelete@dez:hay naku atey, wala na yata ang tolerance level ko talaga sorry naman. actually walang yabang factor naman yung post nila but I just can't take it. haha ako na magaling at perpekto umingles!ya know i grew up kasi in an environment where people speaks english. PWE!haha