Hindi ko alam kung matutuwa, mahihiya, maiinis, o maoffend sa eksena sa jeep kagabi. Ganito kasi yun, pauwi na ko ng bahay. Uso sa aming bayan ang mga patok jeeps, yung mga jeep na kala mo hinahabol ng 10 demonyo sa bilis ng takbo tapos mararamdaman mong nagba- bounce bounce ka din dahil sa lakas nung bass ng sound system nila. Anyway, katabi ko yung medyo matandang babae, ang baet nga nya e kasi inabot nya yung sukli ko dun sa konduktor. Hindi ko nakalimutang ang magpasalamat sa kanya.
Makaraan ang ilang segundo, hindi ko inaasahan ang small talk namen:
Ale: Anong ginagamit mo sa mukha? Napansin ko kasi ang lalaki ng pimples
Ako: Wala na nga po e. Hilamos lang ng sabon na binili ko
Ale: Nung dalaga pa ako, ganyan din ang mukha ko, tadtad ng pimples
Ako: (ngumiti lang sa sinabi nya)
Ale: Sayang naman yang mukha mo. Ang ganda mo pa naman (ayan, nambola na sya).
Ako: Hehehe, di ko lang po kasi mahanapan ng oras pero this weekend po magpapaderma na po ako ulit
Ale: Kung gusto mo umattend ka sa office namen, sa may Meralco Avenue lang. Para bumalik yung kutis mo. Nagbebenta kasi kami ng beauty products tsaka ieexplain sayo dun ang tamang pag-aalaga ng kutis
Ako: Ah sige po tignan ko po ha. 9-6pm po kasi ang pasok ko e
Ale: Mabilis makatuyo ng pimples yun at nakakakinis. Sayang kasi e. Ang ganda mo pa naman. Tas yung ilong mo din. Matangos.
Ako: (nakangiti lang. At gustong sabihin na IKR! haha ang kapal lang ng mukha)
Ale: kasi napansin ko yung mga tigyawat mo, ang lalaki. Kahit sa dilim nakikita ko e
Ako: (nakangiti lang pero gusto na magamok dahil sa sinabi nya)
Kundoktor: Merong montevista
Ako:: Meron
Ale: Basta punta ka ha.
Ako: Sige po. Tignan ko po. Pag di po natuyo pimples ko, contactin ko na lang po kayo
Nakakaloka di ba?Sales talk sa jeep haha first time ko ito! Pak! Kahit medyo imbyerna ako dahil sa hiya e sige na lang, pinakinggan ko na lang ang kanyang sales talk. Kaso, ang uncomfortable lang haha. E kamusta naman kasi ang pagpuna sa pimples kong parang glow in the dark na kahit sa dilim ay kita?wahaha! Bwiset naman kasi tong pimples ko, ayaw pa kong lubayan. Hello, I'm way past my teenage years na kaya :-( Masyado akong love ng pimples ko e nakakainis.
Since gradeschool pa kasi ako maraming pimples. As in! Sabi ko normal naman siguro yun kasi nga part yung ng puberty stage e kaso nawili sila saken, ayaw na nila kong tantanan. Hay, pimples sana naman lubayan mo na ako :-(
Natawa talaga ako sa post mo. (Hindi dahil sa pimples ah.) Ang ganda kasi ng pagkakalarawan mo sa jeepney. Hahaha!
ReplyDeleteDi ko pa na-experience na may ganung usapan sa jeep. Pano ba naman kasi eh may headset ako. Hahaha!
Pero, ingat ah? Baka scam yan. Opinyon ko lang naman.
Ciao!
Ahaha hindi kasi ako makapagheadset sa jeep, hassle much. Naku, feeling ko nga e networking yan. No way ;p
ReplyDelete^Kaya be careful when talking to strangers. =)
ReplyDeleteOn a side note, I changed my URL pala. Hahaha.
Thanks!
hahaha IKR. napansin ko nga haha. noted yan thanks
ReplyDelete