Thursday, August 11, 2011

Sad, Random Thoughts

1.Kahit anong effort mo, hindi mo mahahanap ang taong ayaw magphanap. Gagawa at gagawa yan ng paraan para makalusot.
2. Ang taong naglayas, hindi nagpapaalam. Obvious naman bakit di ba? 
3. Ang paglalayas ay pinagplaplanuhan at pinag-iisipan. Paano ka makakawala, anong dadalhin mo, anong alibi mo, saan ka kaya mapapadpad
4. Ang mga taong naglalayas selfish.
5. Ang mga taong naglalayas tumatakbo sa problema.
5. Kaso mali din naman na basta husgahan sila. May sarili silang mga rason na para sa kanila ay tama at nararapat lamang samantalang isang walang kwentang excuse para sa mas nakararami.

Kahit anong angulo kasi tignan, mali talaga ang paglalayas. Maraming tao ang maapektuhan, marami ang magaalala, marami ang di maiwasang kung anu-anong isipin. Masakit. Malungkot. Nakakabalisa.

Kaibigan, sana sa iyong pagbabalik ay nakita mo nga ang iyong hinahanap at naayos ang iyong dapat ayusin. Nakaabang lang kami sa iyong pagbabalik...
Babalik ka din....

1 comment:

  1. Gusto mo ba ng online work?
    Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
    Email me: tirada_uno_23@yahoo.com / tiradauno@gmail.com / n.helphelphelp@gmail.com
    For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/

    ReplyDelete